Mula bata pa ako, madami na akong pangarap. Pero may mga pangarap din na hanggang ngayon ay kumakapit sa akin, mga pangarap na magkakaiba, at mga pangarap na malalaki. Ang pag-uusapan sa blog na ito ay mga pangarap ko na palaging nasa isipan ko, kung ika'y interestado sa aking mga pangarap, makinig mabuti at tuloy-tuloyin ang pagbasa sa blog na ito.
Lahat ng tao ay may mga pangarap. Ako rin, may pangarap din ako, isa, dalawa, o tatlo man lang pangrarap. Ako naman, gusto kong mag-guhit, drawing, painting, etc. Dahil sa quarantine ang oras ng pagnood ng anime ay tumaas, dahil doon namangha ako sa animation at art, sinubukan ko guhitin ang mga character, at dalawang taon na ang nag-lipas madami akong natunan sa mga dati kong mga drawings. Kadalasan ngayon pa iba-iba ang mga ginuguhit ko, gawa man lang sa isip ko, o sinubukan ko din gumuhit ng mga drawings na nakita ko. Pero alam ko naman din na hindi laman parang anime na drawings ang kailangan para maka-pasa sa mga Art universities/colleges, ayun ang unang pangarap kong pipiliin. Maka-pasa sa mga Art colleges.
Pero hindi lamang Arts ang gusto kong gawin sa college. Gusto ko rin subukan ang Architecture, dahil mukhang magaganda ang mga ginagawa nila sa Architecture. Ang mga maliliit na mga projects nila na ginagawa nila sa college ay cute at ginagandahan ako sa mga effort nila para lang maka-gawa ng maliit na replica. Ang mga design at details na inilalagay nila para lang sa isang maliit na building ay nakakainspire. Kung hindi man rin Architecture baka naman rin Interior designing ay magandang pangarap o trabaho, medyo gusto ko din mag design ng mga loob ng mga bahay, pipiliin ang sakotong kulay para sa room para mag-match din sa mga bagay na ilalagay.
Madami akong pangarap na gustong subukan sa isang buhay na meron ako, baka madami pa rin akong mahahanap na pangarap sa pagtanda ng buhay ko. Pinangarap ko ang mga ito para may alam akong daan para sa kinabukasan ko. May maranasan din akong pagdurusa para lang makamit ko ang mga pangarap na ito. Kaya naman hinahanda ko ang sarili ko para lang sa magandang kinabukasan sa buhay ko.
No comments:
Post a Comment