Ang Seven Sundays ay isang halimbawa at nagpapakita sa mga pangangailangan ng mga magulang natin habang tayo ay tumatanda. Ang pelikula na ito ay idinerekta ni Cathy Garcia-Molina, madalas ang mga pelikula na kanyang idinerekta ay mga nakakakilig na pelikula. Oktubre 11 ng 2017 ito'y pinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas, mula sa mga aktor na nagbibida, ito'y naging sikat sa mga tao dahil sa kwento na pinakita.
Ang inilalahad ng kwento ng Seven Sundays ay isa sa mga problema na iniaalala ng ating mga magulang. Ang mga magkakapatid ng pamilyang Bonifacio, habang tumatanda sila'y madalas nang nag-aaway, noong nalaman ng tatay na may cancer siya, siya'y pinaglaman ang kanyang mga anak, na ngayon ay may sariling buhay at pamilya na inaalagan. Nang ito'y naging balita sa kanila, mabilis na silang pumunta sa bahay na kanilang kinaroronang pag-bata. Kahit man lang sa kaarawan ng tatay nila, hindi man lang sila nagpakita, nang nagkita-kita sila pinag-usapan nila kung magpapagaling o hayaan nalang hanggang mamatay ang tatay nila, pero sa huli ang tatay ang magpipili kung ano man ang mangyayari sa kanyang buhay.
Ang konklusyon ay magkita-kita ang pamilya kada linggo. Naging plano ng tatay na ibalik ang relasyon ng magkakapatid kagaya noong pagka-bata nila, ito'y naging totoo sa bawat linggo na pagkikita sa isa't-isa. Sa gitna ng lahat na pangyayari, ang pitong linggo ay unti-unting naglalapit, nang na nalaman na iba pala ang sakit na nasuri ito'y naging problema ni Manuel kung paano sasabihin, at kung ano ang mangyayari sa relasyon ng magkakapatid nang malalaman nila. Sa huli ay ito'y nga naging problema sa pamilya at sa kung paano maibalik ang pagiging pagkakapatid. Kahit man lang ang bawat maagkakapatid ay may sariling problema sa buhay, sila'y nakipagtulungan sa isa't-isa. Ang pagtatapos ng kwento ay ang magkakapatid ay pinatawad ay pinag-ayos ang relasyon nila.
Kahit na nandoon parin tayo sa kanilang tabi, hindi natin alam ang nararamdaman nila. Ang mga problema sa buhay ay isa sa mga hakbang na dapat gawin para lumaki din tayo sa buhay, ang kwento na ito'y pinakita ay isa sa mga na nagsasabi na hindi dapat tayo mag-alala sa mga pangyayari, dahil ito'y rin maglilipas maganda man o hindi. Ang paghingi ng tulong sa mga problema na ating hinaharap ay kailangan nating gawin, kahit man lang na hindi maganda ang relasyon na isa't-isa. At kung ikaw ang tutulong, ibabalik din nila ang tulong sa binigay mo.
Ang aking naramdaman noong pinanood ko ang pelikula, ay isa sa mga pakiramdam na baka rin na mangyayari ito sa akin habang tumatanda ako. Ang pakiramdam na ini-iwanan ka nalang sa lahat ng sitwasyon na nangyayari, mula man sa mga kaibigan at pamilya. Pero sa mga bahagi ng pakikipagsundo sa mga tao na kilala, lalo na kapag may isa o dalawa man na bagay na magkakasundo, ay isa rin sa mga nangyari sa akin.
Madaming pelikula na may magagandang halimbawa sa pag-aayos ng relasyon sa pamilya, pero ang Seven Sundays ay isa sa nagpapakita na ang bawat pamilya ay dapat magkasundo sa mga away. Ang pelikulana ito ay may madaming halimbawa kung ano-ano man ang mangyayari sa buhay, pero ang pagtutulong sa mga problema sa pamilya ay dapat rin ayusin. Kung ang iyong mga pamilya rin ay madaming problema kung ano man ang hinarap, dapat ay lutasin ito. Maganda ang pelikula na ito sapagkat na ang sitwasyon na ito ay nangyayari rin sa totoong buhay, ang pag-alala sa inyong pamilya ay isa at unang problema na mai-haharap din.
No comments:
Post a Comment